Thursday, February 1, 2018

Ibat Ibang Uri ng Teksto - PPTP

Ibat Ibang Uri ng Teksto

Mga Uri ng Teksto: 

1. Tekstong impormatibo/ekspositori

Deskripsiyon : Ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari, mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng impormasyon. 

May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito:

a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)

b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,konsepto o pangyayari.

c) Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino at konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng hayop, puno o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarugan o pag-ibig.

d) paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito. 


2. Tekstong Deskriptibo: Makulay na paglalarawan

Layunin : Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isnag bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.

Deskripsiyon : Ang tekstong Deskriptibo ayisang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag.

Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo:

1) Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga  mambabasa.

2) Ito ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.

3) Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan.


3. Tekstong Persuweysib: Paano kita mahihikayat

Deskripsiyon: Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.  Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumagamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri. 

Ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng :

1) Malalim na pananaliksik - kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Ang paggamit ng mabibigat na ebidensiya at husay ng paglalahad nito ang pinak-esensiya ng isang tekstong persuweysib.

2) Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa - kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib sa iba't ibang laganap na pesepsiyon at paniniwala tungkolsa isang isyu.

3) Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu - ito ay upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.

4. Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento

Layunin: Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nitong manlibang o magbigay-aliw sa mga mambabasa.

Deskripsiyon: Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (hal.: nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (hal.: biyograpiya, balita, maikling sanaysay). Maaaring ang salaysay ay personal na karanasan ng nagkukuwento. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.

Mas malalim  na halaga ng tekstong Naratibo: 

- Ayon kay Patricia Melendre-Cruz (1994), kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat ang mahusay na panitikan para sa kaniya ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.

Iba't ibang elemento ng Naratibong teksto:

a) Paksa - kailangang mahalaga at nmakabuluhan. 

b) Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. 

c) Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng tauhan, lunan at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento. 

d) Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.

* mga iba't ibang paraan ng narasyon: 

diyalogo
Foreshadowing
plot twist
ellipsis
comic book death
reverse chronology
in media res
deux ex machina (God from the machine)

e) Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyong tauhan.

f) Resolusyon - ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ito ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.


5. Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran

Deskripsiyon : Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na maga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

* nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya. 

Mga elemento ng Pangangatuwiran 

1) Proposisyon- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.

2) Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

Katangian at nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:

1) Mahalaga at napapanahong paksa

2) Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.

3) Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.

4) Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng 
argumento.

5) May matibay na ebidensiya para sa argumento.


6. Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang 

Deskripsiyon: Ito ay iang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay. 

Layunin: layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at angkop na paraa.

Nilalaman: Ang tekstong Prosidyural ay may apat na nilalaman :

1) Layunin o target na awtput - nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahihinatnan ng proyekto  ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay.

2) Kagamitan - Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin  upang makompleto ang isasagawang proyekto.

3) Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

4) Ebalwasyon- naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.

Katangian ng wikang madalas gamitin sa mga tekstong prosidyural:

1) Nasusulat sa kasalukuyang panahunan

2) Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa hindi sa iisang tao lamang

3) Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip

4) Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.

5) Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto

6) Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon.



Mga Sanggunian:


STem2. December  10, 2016. Mga Uri ng Teksto. Retrieved from

http://uringteksto.blogspot.com/

FIGURATIVE LANGUAGE, POETIC DEVICES

Figurative Language
(Figures of speech not meant to be taken literally; they are used to create imagery, appeal to the reader’s emotions, and generate deeper meaning)
Allusion - reference to another person, place, event, literary work, etc. (from William Butler Yeats’s “No Second Troy”: “Was there another Troy for her to burn?” the “her” alluding to Helen of Troy)
Hyperbole - exaggeration used to create emphasis and/or evoke strong feelings (from Andrew Marvell’s “The Unfortunate Lover”: “The sea him lent those bitter tears/Which at his eyes he always wears”)
Idiom - a common phrase or figure of speech not to be taken literally (beating around the bush, raining cats and dogs)
Metaphor - comparison of two unlike things, equaling one to the other (from John Keat’s “Ode on a Grecian Urn”: “Beauty is truth, truth beauty”)
Personification - a metaphor that gives human qualities/traits to non-human things (from William Blake’s “Earth’s Answer”: “Earth rais'd up her head”)
Simile - comparing two unlike things using “like,” “as,” “so,” or “than” (from Robert Burn’s “A Red, Red Rose”: “O my Luve is like a red, red rose”)
Poetic Devices
(Sound devices, which are used to intensify a mood, create rhythm, and/or to emphasize a theme or an idea)
Assonance
The repetition of VOWEL sounds
Consonance
The repetition of CONSONANT sounds
Rhyme - the repetition of vowel sounds in neighboring words (pair/fair, mad/glad, sigh/ride).
Alliteration - repetition of beginning consonant sounds (sad/Sunday, knowing/nobody, candy/kisses)
Near/half rhyme - the repetition of ending consonant sounds in nearby words; the consonant sounds are the same, but the vowel sounds are different.  (chitter/chatter, bitter/platter, shaking/throbbing, quirk/lark)
Anaphora - the repetition of words at the beginning of a clause (from William Blake’s London: “In every cry of every Man,/In every Infants cry of fear,/In every voice: in every ban”)
Epistrophe - the repetition of words at the ending of a clause (William Shakespeare in The Merchant of Venice: “If you had known the virtue of the ring/Or half her worthiness that gave the ring/Or your own honor to contain the ring/You would not then have parted with the ring.”)
Onomatopoeia - words that imitate their sound (hiss, rip, squeak, whisper, BAM! SPLAT!)


LITERARY DEVICES
       Also called literary techniques, literary methods or literary motifs. These are the thumb, conventions or structures employed in literature and storytelling.


Some common literary devices


1. Aphorism – concise statement that contains a cleverly stated subjective truth or observation.
2. Chekhov’s gun - Insertion of an apparently irrelevant object early in narrative for a purpose only revealed later.
3. Cliffhanger - The narrative ends unresolved, to draw the audience back to a future episode for the resolution.
4. Defamiliarization -Forcing the reader to recognize common things in an unfamiliar or strange way, to enhance perception of the familiar.
5. Dramatic - Representing an object or character with abundant description.
6. Visualization
       Detail, or mimetically rendering gestures and dialogue to make a scene more visual or imaginatively present to an audience.
7. Epiphany - A sudden revelation or insight-usually with a symbolic role in the narrative.
8. Flashback- it alters time sequences, taking characters back to the beginning of the tale, for instance.
9. Flashforward -Also called prolepsis, an interjected scene that temporarily jumps the narrative forward in time.
10. Foreshadowing - Hinting at events to occur later.
11. Juxtaposition - Using two themes, characters, phrases, words, or situations together for comparison, contrast, or rhetoric.
12. Paradox - A phrase that describes an idea composed of concepts that conflict.
13. Parody - Ridiculeby overstated imitation, usually humorous
14. Poetic license - Distortion of fact, altercation of the conventions of grammar or language, or rewording of pre-existing text made by a writer to improve a piece of art.
15. Stream of consciousness - Technique where the author writes down their thoughts as fast as they come, typically to create an interior monologue characterized by leaps in syntax and punctuation that trace a character’s fragmentary thoughts and sensory feelings.
16. Symbolism-Applied use of symbols: iconic representations that carry particular conventional meanings.
17. Ticking clock - Threat of impending disaster-often used in thrillers scenario where salvation and escape are essential elements
UNLOCKING OF DIFFICULTIES


1. Terrains - The Environment, Situations, Roads
2. Surreal - Strange, Weird, Fantastic, Bizarre
3. Vicissitudes – Changes, Deviations
4. Mesmerize – Hypnotize, Charm
5. Gesticulate- Gesture, Motion, Sign
6. Labyrinth – Maze, Web, Confusion
7. Freakish – Unpredictable, Changeable

INDIVIDUAL TASK:
Identify the figures of speech and literary devices found in the text. Write your answer on a half sheet of paper.



This Life by Dibyendra (SHORT POEM)
This life is all about rising and falling,
running through the terrains
of surreal moments, and clinging
on hopes and fears to face
the vicissitudes that leaves traces,
like the scars, that creeps,
screams, revisit one's dreams,
and sometimes mesmerize and gesticulate
toward the labyrinth of freakish dreams.
In every life, present are fears,
In every life, there are different breeze,
But sometimes ka-blam and agonies are not at peace.
I know that sooner or later, life will end.







Tayutay o Figures of Speech

Tayutay

 
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

Mga iba’t ibang uri ng Tayutay

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile) –  nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y, animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.  
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.  Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon  - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa  delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa:
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
3. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.
4. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan

5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan,  upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
5. Hanggang sa malibing ang mga buto ko.

B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.                 
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
6. Buhay, bakit naging maramot ka sa akin.
7. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga kamay.
8. Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas o papahayag ng matinding damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
3. Ibigay mo sana ang pagpapala Mo, sagipin Mo Poon, malulunod ako!
4. Isa kang hanggal!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.
                       
Halimbawa:
1. Malayo ma’y malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.
3. Banal na demonyo
4. Batang matanda

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN

1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
 .  
D. PAGSASATUNOG

1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
8. Tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak.        

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.

Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala
3. “At sa mga sulong dito’y nakasabog, nangalat, napunla, Nagsipanahan, nangagsipamuhay, nagbato’t nagkuta.”
4. Gumagalang gutay-gutay na gagamba
                       
3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspektong akda.

Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?

Mga Elemento ng Tula

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona

Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

    Mga uri ng sukat

    1. Wawaluhin 
    Halimbawa:
    Isda ko sa Mariveles
    Nasa loob ang kaliskis

    2. Lalabindalawahin –
    Halimbawa:
    Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
    Sa bait at muni, sa hatol ay salat

    3. Lalabing-animin –
    Halimbawa:
    Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
    Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

    4. Lalabingwaluhin –
    Halimbawa:
    Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
    Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
    2 linya - couplet
    3 linya - tercet
    4 linya - quatrain
    5 linya – quintet
    6 linya - sestet
    7 linya - septet
    8 linya - octave

    Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

   Mga Uri ng Tugma

    1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung
    saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
    Halimbawa:
    Mahirap sumaya
    Ang taong may sala
    Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
    Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

    Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
    isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
    Halimbawa:
    a     a     a
    a     a     i
    a     i      a
    a     i      i

    2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan
    ang salita ay nagtatapos sa katinig.
    a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
    Halimbawa:
    Malungkot balikan ang taong lumipas
    Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

    b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
    Halimbawa:
    Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
    Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
    ○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan
    upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo
Porma ng tula.

Tono/Indayog
Diwa ng tula.

Persona 
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Uri ng Wika

Ang wika ang pinakamabisang instrumento ng komunikasyon at wikang Filipino para sa mga Filipino. Ito ay nahahati sa apat na uri.

1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran.

Halimbawa: parak (pulis), iskapo (takas), istokwa (layas), juding (binababae), tiboli (tomboy), epal (mapapel), istokwa (layas) ,haybol (bahay)

2. Lingua Franca o Panlalawigan - Kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno, Bicolano at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT (hindi, O) ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.

3. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing ito ay Filipino, samantalang ang iba naman ay may katwiran ding tawaging Tagalog lamang ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung mauunawaan na ang Filipino at ang kaniyang alpabeto (Simpleng alpabeto) ay maunlad, at may mga hiram na titik. Ang Filipino naman ay kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man, o balbal, mapa Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa.

4. Pampanitikan - Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang pang kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan ay ang "Kapatid na babae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o kathang isip. Ito ay kadalasang nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan.

Sunday, January 13, 2013

Paglalarawan

PAGLALARAWAN

Paglalarawan - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama. Napapagalaw at napakikislot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa.

Mga katangian ng isang mahusay na paglalarawan

1. May tiyak at kawili-wiling paksa
2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.

            Iba't Ibang pananaw na magagamit:

a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito
b. kung nasa loob o labas
c. ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga ng kanyang 
    karanasan o ng karanasan ng ibang tao.
d. ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa.

5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin; pandinig; pang-amoy; panlasa at  
    panalat.
6. May kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.

Mga Uri ng Paglalarawan

1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan - layunin nito ang magbigay ng kaalaman
    hinggil sa isang bagay ayon sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa 
    pamamagitan ng tiyak na salitang naglalarawan, naipakikita ang fisikal o konkretong
    katangian. Higit na bib\nibigyang - diin sa paglalarawang ito kung ano ang nakikita at
    hindi and nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng manunulat.

2. Masining/abstraktong Paglalarawan - naglalayung pukawin ang guni-guni at
    damdamin ng mambabasa. Higit na nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang
    nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha ng imahinasyon. Gumagamit ito ng
    mga salitang nagpapaganda rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang
    patalinhaga.

Mga Halimbawa ng Masining o Obstratikong Paglalarawan:

1. Paglalarawan sa Tao
Halimbawa:
Sapagkat si Susana'y mukhang angel ng kagandahan sa kanya.
(Talulot sa pagas na Lupa - Landicho)

2. Paglalarawan sa Damdamin
Halimbawa:
Punung-puno ng nakatatakot na larawan ang kanyang ulo.
(O Pangsintang labis -Tumangan)

3. Paglalarawan sa Bagay
Halimbawa:
Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.
(Makina - Marisa)

4. Paglalarawan ng tanawin o Lugar
Halimbawa:
Sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman nag-aanyayang kung paano ang bahay na malaki. Tisang balot ng lumot sa bubong ay tila nagliliwanag. pati ang kurtinang gagalaw-galaw sa marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway.
(Kasalan sa Malaking bayan - Pineda)

Wednesday, September 1, 2010

Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.

1. Alamat - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito.

2. Anekdota - ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.Ginagalawan ito ng maraming tauhan.

3. Nobela - Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

4. Pabula - Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.

5. Parabula - isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.

6. Maikling kwento - ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari sa kakintalan.

7. Dula- ito'y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.Nahahati ito sa ilang yugto,at bawat yugto ay maraming tagpo.

8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

9. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

10. Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.

11. Balita - ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan.

12. Kwentong bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.

13. Salawikain - ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

14. Kasabihan - kawikaang nagsasaad ng ating karanasan.

Mga akdang patula

Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. 

1. Awit at Korido - isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.

2. Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala

3. Balada - isang uri o tema ng isang tugtugin.

4. Sawikain - ay maaaring tumukoy sa:
    A. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
    B. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
    C. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

5. Bugtong - Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).

6. Kantahin - ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig

7. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

8. Tula - Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Featured Post

CORALINE BY NEIL GAIMAN (ENGLAND)

CORALINE BY NEIL GAIMAN (ENGLAND) Coraline [Excerpt] by Neil G...