PANANALIKSIK
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.
Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel: 1976).
Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Maidaragdag din sa ating mga definisyon ang kina E. Trece at J. W. Trece (1973) na nagsasaad na ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon.
Ayon kay Calderon at Gonzales (1993):
— this is a systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting andinterpreting data for the solution of a problem, expansion or verification of existing knowledge, all for the presentation and improvement of the quality of human life.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
- Pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preservasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.
- “ The purpose of research is to serve man and the goal is the good life”
Ayon kina Calderon at Gonzales(1993): Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tiyak na layunin ng pananaliksik:
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at informasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produko.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
5. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
6. Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik.
7. Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.
KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK
1. Ang pananaliksik ay sistematik.
may sinunud itong proseso o mag kasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
2. Ang pananaliksik ay kontrolado.
-lahat ng varyabol na sinusuri ay kailangan mapanatiling konstant. Hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong maganap sa sabjek na pinag-aaralan ay maiiuugnay sa eksperimental na varyabol.
3. Ang pananaliksik ay emprikal.
- kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap
4. Ang pananaliksik ay mapanuri.
-sa pananaliksik, ang mga datos na nalakap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nalakap.
5. Ang pananaliksik ay objektiv, lohikal at walang pagkiling.
- lahat ng tuklas at mga konklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na mga datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta sa pananaliksik
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwanttiteytiv o istatiskal na metodo.
- ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagagan.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.
- maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.
8. Ang pananaliksik ay isang akyuret na investigasyon, obserevasyon at deskripsyon.
- bawat aktividad na pananaliksik ay kailangang maisagawa ng tumpak o akyuret nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga syentifikong panlalahat.
9. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.
- kailangang pagtiyagaan ng mananaliksik ang bawat hakbang, sa pananaliksik upang matiyak ang katumpakan o accuracy nito.
10. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan.
- walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap, kaya kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat.
- lahat ng datos na nakalap ay maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas na pananaliksik.
12. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat
-Kalingan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel, para sa angkop na dokyumentasyon at kadalasan sa pasalitang paraan o ang tinatawag naoral presentation o defense.
Mga Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik
- MASIPAG
- Matiyaga
- Maingat
- Sistematik
- Kritikal o mapanuri
PANANAGUTAN NG PANANALIKSIK
KATAPATAN – ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ito ay kailangang maipamalas niya sa mga pagkilala ng kanyang pinagkunan ng datos o impormasyon. Nangangahulugan ito na:
1. Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.
2. Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala.
3. Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang pagkilala.
4. Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argument o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang particular na pananaw.
5. Ayon kay Atienza, ang pinakamahalagang pananagutan ay ang pagtiyak na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon ng kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.
Ang Isyu ng Plagyarismo
Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.
Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo.
Ito ay may sinusunod na etika/ Code of Ethics
— Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo.
— Ito ay may kabigatang parusa.
— Ito ay magdudulot ng kahihiyan sa isang taong may pinag-aralan.
Noong 1996, si Atienza at ang kanyang mga kasamahan ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng plagyarismo at mga kaparusahang maaaring ipataw sa plagyarista
— Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi itinala ang pinagkunan.
— Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan.
— Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan
— Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinala na isalin ang mga ito,
— Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at hindi kinilala ang pinagkunan ng “insipirasyon”, at
— Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at ipinalabas niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito.
Parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista ay ang mga sumusunod:
— Pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng 5.0 (lagpak na marka)para sa kurso,
— Kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikin ang estudyante sa universidad.
— Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri o
— Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual Property Rights Law at maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo.
Source:
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. 2006. Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing Hiuse Inc.
No comments:
Post a Comment