WIKA
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. “Wika” ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.
(http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Wika)
KAHALAGAHAN
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.ETIMOLOHIYA
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language – tawag sa wika sa Ingles – nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila“, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang “wika” – sa malawak nitong kahulugan – ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.[1]Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. “Wika” ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.
KASAYSAYAN AT TEORYA
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing “ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan.” Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba’t ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga “tunog ng kalikasan” na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1](http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Wika)
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
A. Kahulugan
Ang pabula (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
B. Kasaysayan

Ipinalalagay na nagsimula ang pabula kay Esopo, isang aliping Griyego sa taong 400 B.C. Siya ay pangit, tuso at matalino ngunit sa kanyang kahusayan sa pagkukuwento ng pabula, siya’y pinalaya at nagkaroon ng tungkulin.
May paniniwala rin na ang pabula ay nanggaling sa Indya at hinango sa Panchantara at Jatakas. Ang Panchantara (limang aklat) ay sinulat sa Kashmir noong 200 B.C. at ito’y itinuturing na pinakamatandang katipunan ng mga pabula sa Indya. Ang pamagat ng dalawang aklat ay buhat sa pangalan ng dalawang Lobo (Jackals), Kalilab at Dimab o mga pabula ni Bidpai. Ito’y isinalin sa Persya, Arabik at Latin at nagtamo ng katanyagan sa Europa. Isa pang katipunan ng mga pabula sa Indya ang napatanyag, ito’y tinawag na Jatakas. Ipinalalagay na ito’y lumaganap noong limang daantaon B.B. Ang Jatakas ay ikinapit ng mga Budhist sa mga kuwentong nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha. Ayon sa paniniwala bago siya nagging Buddha ay nagpasalin-salin muna siya sa iba’t ibang hayop tulad ng barako, leon, isda at daga. Ang Jatakas ay kuwento sa loob ng isang kuwento na sa hulihan ay may patulang aral. Sa 547 kuwentong Jatakas may 30 lamang ang maaaring pambata. Ang mga kuwentong Jatakas (Eastern Stories and Legends Jatakas Tales) ay tinipon nina Ellen C. Babbit at Marie Shedlock.
Si Jean de la Fontaine ay naglathala ng kanyang pabulang patula sa Pranses noong 1668. At noong 1919 si Milo Winter ay naglathala ng The Aesop for Children. Ang Panitikang Pilipino ay punung-puno rin ng mga pabula at ang mga bata ay maaakit na gumawa ng kanilang sariling kuwento na magtataglay ng aral.
EPIKO at ang munting KASAYSAYAN NITO
A. Kahulugan
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalang) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.
B. Kasaysayan
May mga aklat nang nalathala tungkol sa ibang mga anyo ng panitikang pagbigkas, tulad ng mga bugtong, salawikain, awit, pabula, alamat at mito. Ngunit wala pang puspusang pag-aaral tungkol sa mga epiko, ang pinakamataas na anyo ng panitikang pabigkas. At mahalaga ang mga epiko di lamang bilang panitikan: ang mga ito’y makabuluhang dokumento rin ng ating lipunan bago pa dumating ang pananampalatayang Muslim at Kristiyano. May maidadagdag sila sa kakaunting tiyak na kaalaman natin tungkol sa sinaunang panahon ng pambansang kasaysayan. Bukod dito, ang mga tekstong orihinal ay magagamit ding sanggunian ng mga lingguwista para sa mga namamatay nang mga wikain.

May mga epikong walang tekstong orihinal, tulad ng Handiong ng Bikol, na bagamat siyang pinakaunang naitala (bago pa taong 1867), ay nakasulat naman sa Kastila. Gayundin, ang Darangen ng mga Maranao ay nasa sa Ingles, ang Indarapatra at Sulayman ng Magindanao ay nasa sa Ingles, at ang bersyong ito’y pinag-aalinlangan pa ng kilalang iskolar na si E. Arsenio Manuel.
Mayroong pangkahalatang katangian ng bawat epiko:
- Karamihan sa mga epiko ay may pamagat na nangangahulugan ng awit o himig o pag-aawit o pagsasahimig, tulad ng Hudhud ng mga Ifugao, Guman ng mga Suban-on, Darangen ng mga Magindanao at Maranao, Diawot ng mga Mansaka, Owaging, Ulaging, Ulahingon, Ulahingan, ng mga Manobo (ang huling apat ay iba-ibang anyo lamang ng iisang salita). Kung kaya nga’t natitiyak natin na ang mga epiko’y sadyang inaawit at ang anyo nila ay umaayon sa panitikang pabigkas. Maraming mga elementong tulad ng indayog (cadence) at timbang (symmetry), paralelismo, aliterasyon, pag-uulit ng mga batayang salita, o mga tugma, na nakatutulong sa mang-aawit o manghihimig upang maalaala niya ang mga taludtod.
- Lahat ng mga epiko’y may kayariang en palier, alalaong baga’y ang pagkakasunod-sunod ng mga episodyo. Kaugnay sa mga elementong nabanggit sa itaas ang kayariang ito, na makikita di lamang sa mga taludtod kundi sa mga episodyo na rin. May mga pag-uulit ng tagpo: ang pag-aalok ng hitso, pagbibihis, pagdiriwang sa mga kasalan. May paralelismo din naman ng mga episodyo, tulad ng: kakalabanin ni Aliguyon si Pumbakhayon, makikilala niya ang kapatid nito; mamamatay si Sandayo at hahanapin siya ng kanyang kasintahan, mamatay ang kasintahan at hahanapin siya ni Sandayo.Pagkatapos ng bawat episodyo, lalo lamang nagiging kagila-gilalas ang bida. Ang pananalo niya sa digmaang nagpapanaig sa tribo ang kanyang pinakamahalagang gawain (o di kaya ang katangian niyang bilang mandirigma). Kaya naman maaaring ipalagay na ang bida ng ating mga epiko ay isang bayani ng kasaysayan ng alamat, tulad ng bayani sa Chanson de Roland ng Pransiya, El Cid ng Espanya, Beowulf ng Inglatera o Nibelungen ng Alemanya. Ngunit, di tulad ng mga bidang taga-Europa na sumasapit sa hantungang kalunos-lunos, namamatay ang ating mga bida ngunit nabubuhay silang muli. Malinaw ang optimismo ng ating mga epiko.
- Sa mga epiko’y karaniwang natutunghayan ang kahiwagaan: mga diwata o anito at mga mabubuting espiritu. Gayundin ang mga elemento, lalo na ang hangin, ang mga hayop at mga bungang-kahoy, lalo na ang nganga, at iba pang bagay na may mahiwagang kapangyarihan ang tumutulong sa bida upang maisakatuparan niya ang kanyang mga di-pangkaraniwang gawain. Dito ang panahon at lunan ay hindi lang sa atin kundi yaong umaayon sa nakamamanghang daigdig ng bayani ng epiko.Pinatutunayan ng unang tatlong katangiang nabanggit ang hinahap na ginagamit noon ang epiko upang malibang ang isang lipunang walang radio o telebisyon at walang mga superhero ng pelikula, tulad nina Superman, Wonder Woman o James Bond.
- Sa kabilang dako, inilalarawan ng mga epiko ang mga lipunang lumikha sa kanila. Sinasalamin nila ang isang lipunang pantribo, bago dumating ang mga Muslim (1380) at mga Kastila (1521). Kasangkapan ang mga epiko sa paglilipat sa susunod na salinlahi ng mg sinaunang kaugalian at karunungang pantribo, tulad ng tamang pamamahala sa ugnayan ng iba’t-ibang antas ng lipunan at ng mga magkakamag-anak; ang tamang paraan ng panunuyo at ng pagwawakas ng mga kasalanan. Nagbibigay din ang mga epiko ng mahalagang kabatiran tungkol sa pamamahay, pananamit at pati sa pagsisilang o panganganak, na kailangang-kailangan para mabuhay at sumagana ang tribo.Sa higit na mataas na antas, minumungkahi ng Aliguyon ang pag-iisang dibdib ng mga kasapi ng mga magkakaaway na tribo bilang kalutasan sa sinaunang tradisyon ng mga digmaan ng walang-katapusang paghihigantihan na umuubos sa pinakamagagaling na mandirigmang Ifugao. Pinaaalab naman ng Lam-ang ang damdamin ng mga Ilokano at hinihikayat silang ipagtanggol ang kanilang tribo sa mga Igorot. Sa Agyu, ang paglalarawan ng isang utopya ang nagbibigay ng lakas sa mga Manobo na lagi na lamang naglalagalag at pakaunti na nang pakaunti, na balang araw ay mararating din nila ang Nalandangan, tulad ng bayani ng kanilang epiko.
- Isa pa ring katangiang mapapansin sa mga epiko ang pagkakaroon nila ng maraming bersiyon at ang pagdami ng kanilang mga episodyo. Mauugat ang una sa tradisyong pabigkas ng mga epiko. Sa pagdaraan ng mga araw at ng mga salinlahi, nalilimutan ng isang mang-aawit o manghihimig ang ilang mga detalye, at kung minsa’y ang mga episodyo na rin ng epiko. Sa ganitong pangyayari, kailangang lumikha siya ng ibang mga detalye o episodyo. Kaya naman, may limang kilalang bersiyon ang Lam-ang at ang ilang bersiyon nito’y may mga episodyong wala sa iba. Sa limang bersiyon, nagbabago-bago ang pangalan ng mga tao, bagamat iyon din ang pangalan ng bida at ang kanyang pakikipagsapalaran.Sa kabilang dako, ang pagdami ng mga episodyo, ay maaaring maugat sa pagnanais ng taong makarinig ng iba’t-ibang makukulay na pangyayari. Dapat tandaan na inuulit-ulit ang epiko sa iyo’t iyon ding mga tagapakinig na noon at ngayo’y laging naghahanap ng naiiba. Kaya nga’t kailangan ang mga bagong episodyo at pati na mga bagong tauhang karaniwang may kaugnayan sa bida. Sa gayo’y nagiging siklo ang mga epiko, tulad ng epikong Agyu na nagkasanga-sanga at sumasaklaw sa iba pang epiko ng lahat ng mga kamag-anak ni Agyu: si Tagyakawa, ang asawa niya; sina Nebeyew, Kumulat-ey at Impahimbang, ang tatlo sa kanyang mga anak na lalake; sina Lena at Banlak, ang mga kapatid niyang lalake; sina Yambungan at Tabagka, mga kapatid niyang babae; at sina Tulelangan at Bete’ey, ang kanyang mga pinsan. Kapatid naman ni Labaw Donggon si Humadapnen.Upang maging magaan, kawili-wili at di-gaanong nakapapagod ang pagbabasa ng epiko, pinutulan ang mga mahahabang epiko. Sa pagpapaigsing ito, inalis ang mga episodyong hindi napapaloob sa pangunahing daloy ng kuwento.Sinikap ipaliwanag ang mga epikong Pilipino sa kanilang katangian (pabigkas) at sa kanilang mga tungkulin (ang panatilihing buhay at mariwasa ang tribo at ang paglilibang nito). Inaasahang makatutulong ang bagong lapit na ito sa pagkakaroon ng lalong maalab na pagpapahalaga ng mga Pilipino, ng mga bansang ASEAN at mga iba pang bansa, sa mga epiko natin.
- Mayroong pangkahalatang katangian ng bawat epiko:

Ang Tulang Romansa sa Europa at sa Pilipinas

Sa Europa
Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa (metrical romance). Ito ay kathang-isip na
tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran o abentura ng mga bayani na karaniwang
dugong bughaw tulad ng prinsipe at prinsesa.
Naiiba ito sa epiko na tungkol din sa kabayanihan at abentura ng pangunahing
tauhan. Ang salaysay sa tulang romansa ay may halong kulay at damdamin ng romansa.
Bago pa dumating ang Edad Media (Middle Age), naging paborito na ng madla sa
kontinente ng Europa ang mga salaysay ng abentura at kabayanihan. Lalo pa nang ihawig
ito sa kasaysayan o sa malalaking pangyayari noon. Sa mga panahong iyon, malawak na
ang interes ng kababaihan sa panitikan at likas na ang pagkagusto nilang makabasa ng
mga akda tungkol sa pag-ibig. Ang tulang romansa na dati’y nasa wikang Pranses lamang
o sa ibang diyalekto ng Latin ay nakarating din sa Inglatera.
Balada (ballad) ang ugat ng tulang romansa. Ang balada ay isang maikling tulang
pasalaysay na karaniwang nakaugnay sa alamat o kwentong-bayan. Kasabay ng pag-usbong
ng pananalig sa Kristiyanismo sa buong Europa, lalo na ng debosyon kay Birheng Maria,
sumikat ang tulang romansa. Sa tulang ito, ang debosyon ay patungkol naman sa isang
babae, dugong bughaw, maaaring asawa ng hari o panginoon. Idinaraan ito sa isang ritwal
sa korte ng kaharian, tulad ng ginawa ng mga Trubador sa Provence, isang lalawigan sa
Pransya. Bumibigkas ng mga tulang liriko ang isang kabalyero (knight). Sinasabi sa tula
na walang pasubali ang pagsunod ng kabalyero sa ipinag-uutos ng kanyang reyna o dama
bilang patunay ng kanyang katapatan dito. Mula roon, kumalat na ang ganitong pagbigkas
hanggang sa makarating din sa Inglatera. Dahil ang orihinal ng mga tulang lirikong ito
ay nasa wikang Pranses, nagkaroon ito ng bersyon sa mga wikang Ingles, Espanyol, at iba
pang wika ng karaniwang mamamayan.
Sumikat naman ang tulang romansa sa Espanya sa panahon ng mga haring Katoliko.
Naluklok sa trono sina Haring Fernando at Reyna Isabel ng Espanya noong 1479 hanggang
sa paghalili ng anak nilang si Haring Carlos noong 1519. Ito ang panahong naitaboy na
ng mag-asawa sa probinsya ng Granada ang mga Moro. Noon ay hindi na tanyag ang
mga anyo ng tulang villancicos, juglares, at cantares de gesta. Ang panitikan ay hindi na
lamang pandugong bughaw kundi pangmadla na rin. Ang tulang romansa ay lumaganap
sa karaniwang mamamayan.

Sa Pilipinas
Naging dalawa ang anyo ng tulang romansa nang maging popular ito sa Pilipinas—
ang awit at ang korido. Hanggang ngayon ay wala pang pag-aaral na nakasisiguro kung
kailan at paano ito nakarating sa kapuluan, gayundin kung paano ito nagkaroon ng
pagkakaiba. May nagsasabing galing ito sa Mehiko na gumamit ng salitang korido na
balbal ng ocurrido (nangyari) na salitang Espanyol. Sa totoo, may dumarating noon sa
Pilipinas na buletin o opisyal na pabalita ng pamahalaan ng Mehiko, ang corridos.
Ngunit sa tradisyon ng panitikang Pilipino, lahat ng mahahabang tulang pasalaysay
ay itinatanghal o binibigkas nang pakanta. Dahil ang ugat naman ng tulang romansa ay
balada na nilikha para kantahin, nawala na ang pagkakaiba ng dalawang anyo ng tulang
romansa. Ang awit ay itinuturing na korido at ang korido ay tinatawag na awit. Totoo ito
sa mga awit at korido ng Pangasinan, Ilocos, at Iloilo. Sa Katagalugan lamang pinag-iiba
ang awit at ang korido.
Nagkakatulad ang awit at ang korido sa dalawang bagay. Parehong pakanta ang bigkas
o basa ng mga ito; parehong aapating linya (quatrain) ang berso sa bawat saknong.
Gayunman, ang mga historyador ng panitikan ng Pilipinas ay gumawa ng mga
batayan ng pagkakaiba ng dalawang anyong ito ng tulang romansa.
Ang Pagkakaiba ng Awit at ng Korido
Narito ang katangian ng isang korido:
1. Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig
2. Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na pagsasalaysay
3. Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung minsan
4. May malalim na damdaming relihiyoso
Ang awit naman ay may ganitong katangian:
1. Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig
2. Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin
3. Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa kasaysayan
4. Higit na buhay at masigla ang damdamin nito

Mga Halimbawa ng Tulang Romansa sa Pilipinas
Katulad ng nabanggit, maliban sa mga Tagalog ay magkakatulad ang mga paksa,
estilo, at kilos ng awit at korido sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ngunit sa pangkalahatan,
mapapangkat sa tatlo ang saklaw ng mga paksa ng tulang romansa:
1. Mga salaysay tungkol kay Carlo Magno (Charlemagne) at mga tauhan nito
2. Mga salaysay hinggil sa Tabla Redonda (Round Table) ni Haring Arthur
3. Mga salaysay tungkol sa pagbagsak ng Troy mula sa kasaysayan ng Gresya at ng Roma
Bukod pa rito, maraming awit at korido ang hinango naman sa mga alamat,
kwentong-bayan, buhay ng mga santo, at salaysay mula sa Bibliya.
Ayon kay Dr. Damiana Eugenio, isang iskolar ng folklore, ang halimbawa ng awit
ay ang Doce Pares, Rodrigo de Villa, at Tanyag na Kasaysayan ni Bernardo Carpio (ni Jose
de la Cruz o Huseng Sisiw); Florante at Laura (ni Francisco Balagtas); Dama Ines at
Prinsipe Florinio (ni Ananias Zorilla); Tablante de Ricamonte (panahon ni Haring Arthur);
at Prinsipe Paris (panahon ng Troy). Idinagdag pa ni Eugenio ang Prinsesa Florentina
bilang halimbawa ng korido bukod sa Ibong Adarna.

Ang Ibong Adarna sa Iba’t Ibang Bahagi ng Mundo
Walang bansang matutukoy na pinagmulan ng tulang romansang ito. Sinasabi
lamang na may mga pagkakahawig ang mga tauhan at pangyayari sa mga salaysay nito.
Lumitaw ang anyong ito ng panitikan sa mga bansa ng Europa, Gitnang Silangan, at
maging sa Asya. Ang pagkakatulad naman nito sa mga pinagmulang bansa ay ang mga
sumusunod:
1. Pare-parehong may sakit ang hari at kailangan nito ng lunas o gamot (Denmark at
Alemanya)
2. Ang lunas ay maaaring tubig, halaman ng buhay, o awit ng isang ibon (Alemanya at
Gitnang Silangan)
3. Karaniwang ang naghahanap ng lunas ay magkakapatid na prinsipe at ang bunso ang
laging sinuswerte (Alemanya at Indonesia)
4. Laging nakapag-aasawa ng prinsesa ang nagtatagumpay sa paghanap ng lunas
(Denmark at Alemanya)

3. Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung
minsan

3. Mga salaysay tungkol sa pagbagsak ng Troy mula sa kasaysayan ng Gresya at ng
Roma

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.
Karagdagang Impormasyon:
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Mga Tauhan:
- Simoun – Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal Moreno
- Isagani – Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez
- Paulita Gomez – Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya Victorina
- Basilio – Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap
- Juli – Katpian ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama
- Pari Camorra – Paring mukhang artilyero
- Pari Salvi – Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw
- Pari Sibyla – Vice Rector ng Unibersidad
- Pari Irene – Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastilang
- Pari Fernandez – May kaibigang pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari
- Pari Florentino – Amain ni Isagani
- Kabesang Tales – Naging Cabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan
- Don Custodio – Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta
- Ginoong Pasta – Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya
- Ben Zayb – Manunulat at mamamahayag
- Donya Victorina – Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at itinuturing na mapait na dalandan ng kaniyang asawa
- Quiroga – Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik
- Don Timoteo Pelaez – Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama ni Juanito
- Mataas na Kawani – Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay Basilio
- Kapitan Heneral – Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni Simoun
- Hermana Penchang –Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia
- Placido Penitente – Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa Latin, pinakamatlino sa bayan ng Batangas, hindi naagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral
- Makaraig – Mayaman at isa sa pinakamasigasig na isang magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila
- Juanito Pelaez – Mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba
- Sandoval – Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas
- Pecson – Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging natatanaw sa hinaharap
ALAMAT at ang KASAYSAYAN NITO
A. Kahulugan
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang “legend” ng ingles.
B. Kasaysayan
Ang salitang alamat ay panumbas sa “legend” ng Ingles. Ang
katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang
kahulugan ay “upang mabasa”.
Noon pa mang 1300 AD ( After Death ), ang ating mga ninuno, na
kilala sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mga
karunungang-bayan, kabilang ang alamat. ( Sila ang mga taong walang
permanenteng tirahan.) Ayon sa mga heologo ( geologists ), nakuha o
nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang
lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga
marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay
nagpapasaling-dila o lipat-dila lamang.
Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan ang mga
Indones na may dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan at
pananampalatayang pagano. Ang matatandang alamat ng ating mga
ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na ang
nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala,
at pananampalataya sa Lumikha.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay.
Katulad ng mga Indones, sila rin ay may pananampalatayang pagano.
May dala rin silang sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga
karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto
na tinatawag na Alifbata o Alibata. Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat
na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa
mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga
bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong
ito, higit na lumaganap ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang
pagano at sumibol ang “Maragtas” at “Malakas at Maganda”.
Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at
Persyano. Ang mga ito ay may mga dala ring kani-kaniyang kultura na
nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan. Sa
mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga
ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa
bibig ng mga taong-bayan.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na
may layuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap ng
pananampalatayang Kristyanismo. Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol
ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod
sa ilog sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo.
Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila masira. Nanatili ang mga
alamat…nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na
panahon at nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyang.

MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

|
MGA POSIBLENG SOLUSYON SA BAWAT SULIRANIN
|
1. Oras na itinakda para sa asignatura.
|
· Higit na makakatulong sa guro at sa mga mag-aaral ang magkaroon ng sapat na oras sa pagtuturo/pag-aaral upang maisakatuparan ang layunin sa pagtuturo sa araw na iyon.
· Sa kasalukuyan ang oras ng pagtuturo sa asignaturang Filipino ay nadagdagan ng 20 minuto mula baitang I-III at 60 minuto naman sa baitang IV-VI hanggang sekundarya.
|
2. Kapaligiran ng paaralan.
|
· Magkadaragdag sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang may maayos na kapaligiran sa lugar na kanilang pinag-aaralan gayundin sa mga guro sa kanilang pagtuturo kung kaya’t nararapat na magkaroon ng maayos,malinis, maliwanag,maganda at maaliwalas na kapaligiran sa isang paaralan.
|
3. Kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo.
|
· Makatutulong ang pagdalo ng mga guro sa mga seminar-worksyap na ibinibigay ng KWF o anumang samahang nagtataguyod ng wikang Filipino upang mas lalong madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa makabagong pamamaraan o estratehiyang pampagtuturo.
· Makakatulong din ang palagiang pagbabasa ng mga aklat, magasin o anumang babasahin na may kinalaman sa pagtuturo ng wika at panitikan.
|
4. Kakulangan sa mga makabagong kagamitang pampagtuturo.
|
· Ang tagapamahala ng paaralan ay maaaring makatulong sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro kabilang na ang paggamit ng kompyuter sa modernong pagtuturo.
· Paglaanan ng tagapamahala ng paaralan at maging ng guro ang mga kagamitang pampagtuturo upang magkaroon ng makabago at epektibong pagtuturo sa wika at pantikan.
· Maaari ding gumawa ang guro ng batid niyang mga kagamitang pampagtuturo bago pa lamang magsimula ang pasukan.
|
5. Kawalan ng interes ng mga mag- aaral dahil sa pagdating ng mga makabagong kagamitan na mas pinagkakaabalahan ng mga mag- aaral.(cellphone, computer,atbp.)
|
· Umisip ng mga teknik o estratehiya na makahihikayat sa mga mag-aaral na makuha ang kanilang atensyon habang nagtuturo ang guro sa wika at panitikan katulad ng pagbabawal sa pagpapadala ng kanilang cellphone o anumang gadgets sa pagpasok sa paaralan o pagbabawal na paggamit nito habang nagtuturo ang kanilang guro.
· Bigyan ang mga mag-aaral ng mga takdang-aralin na maaaring hindi gagamitin ang kompyuter upang mapigilan ang pagkahumaling nila dito, gamitin ang silid-aralan sa paghanap ng kasagutan sa kanilang mga gawaing-bahay.
· Bigyan ng gantimpala ang mag-aaral na susunod sa mga panuto ng guro.
|
6. Kakulangan sa bokabularyong Filipino/Tagalog.
|
· Makatutulong ang madalas na pagbabasa ng mga diksyunaryong Filipino upang lalong madagdagan ang bokabularyong Filipino/Tagalog.
|
7. Pagdating ng mga makabagong salita na wala naman sa diksyunaryong Filipino.(jejemon at bekemon)
|
· Sanayin/hikayatin ang mga mag-aaral na bumigkas o gamitin ang mga wastong pananalita sa kanilang araw-araw na pakikipagtalastasan lalo na kung nasa loob ng paaralan.
· Bigyan ng gantimpala ang mga mag-aaral na susunod sa panuto ng guro at bigyan ng magaan n parusa ang mga mag-aaral (hal. multa kung makariringgan ng pagsasalita ng mga jejemon o bekimon na salita sa loob at labas ng silid-aralan.
|
8. Ang mahinang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig.
|
· Mahahasa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig kung mas bibigyan ng guro ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral hinggil dito (pakikinig).
|
9. Ang kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan.
|
· Gumamit ng iba’t ibang estratehiya o pagdulog sa pagtuturo ng akdang Pilipino upang makapukaw sa interes ng mga mag-aaral na basahin ang mga ito.
· Gumamit ng multimedia sa pagtuturo ng mga akda (vcd,dvd etc.) o maging ang kompyuter katulad ng powerpoint presentation upang mas higit na mahikayat ang mga mag-aaral sa pagbabasa o pag-aaral ng mga akda.
· Gamitin ang masining na paraan ng pagtatanong sa talakayan upang maturuang mag-isip at mahikayat na basahin ng mga mag-aaral ang akdang binabasa.
|
10. Kamalayang makadayuhan ( colonial mentality )
|
· Magkaroon ng mga patakaran sa loob ng silid-aralan ang guro sa wika at panitikan upang maiwasan ang kolonisado ng isip ng mga mag-aaral lalo na sa paraan ng kanilang pakikipagtalasatasan.
· Higit na hikayatin silang gamitin ang sariling wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gantimpala sa mga mag-aaral.
|
11. Miskonsepsyon sa gamit ng wika
|
· Ituro sa mga mag-aaral ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay ayon sa gamit ng wika makatutulong ito upang maunawaan ng mga mag-aarala ng wastong gamit ng isang wika.
|
12. Pagbibigay ng higit na pansin at halaga sa Wikang Ingles ( oras , gawain , mga proyekto )
|
· Iwasan ang paggamit ng wikang Ingles (guro-mag-aaral) sa loob ng klase ng Filipino.
· Magbigay ng insentibo sa mga mag-aaral na gumagamit ng wikang Filipino sa talakayan sa klase at bigyan ng magaang parusa ang gumagamit ng wikang Ingles sa mga talakayan sa klase ng Filipino.
· Magbigay ng mga proyekto na mas magpapahalaga sa wikang Filipino at Panitikan.
|
13. Obsesyon ng guro at mga mag-aaral na makamit ang bentahe sa kahusayan sa wikang Ingles bilang tanging instrumento ng pandaigdigang kompetisyon.
|
· Bilang guro ng wikang Filipino at Panitikan, kinakailangang mas pahalagahan ang wikang itinuturo kung kaya’t dapat na kakitaan ito ng kasigasigan sa pagtuturo ng wikang Filipino.
|
14. Kakulangan ng kaalaman ng guro sa mga teknik o estratehiya sa larangan ng pagtuturo ng pagsulat.
|
· Makatutulong ang pagbabasa, pagdalo sa mga seminar-worksyap hinggil sa pagsulat upang sa gayon ay lumawak pa ang kaalaman sa pagtuturo ng pagsulat.
|
15. Kakulangan sa kaalaman ng guro sa istrukturang gramatikal (pagbabaybay,gamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita atbp.)
|
· Dumalo sa mga seminar-worksyap hinggil sa suliraning ito.
· Makatutulong ang internet sa pagdaragdag ng kaalaman ng guro pagdating sa pagtuturo ng istruktura ng gramatika.
|
16. Di-lubusang paglinang sa kahusayang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo.
|
· Mas makabubuting iwasan ng guro ang pagsasalita ng wikang Ingles sa loob ng silid-aralan ng sa gayon ay maging modelo siya ng kanyang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan (tag-lish na sistema na pakikipagtalastasan)
|
17. Hindi sapat na kaalaman sa pag-unawa ng iba’t ibang pagdulog sa pagtuturo ng akdang pampanitikan.
|
· Makatutulong ang pagbabasa,pananaliksik,paggamit ng mga aklat at paggamit din ng internet sa pagpapalawig ng kaalaman sa paggamit ng mga pagdulog pampanitikan.
· Higit na suriing mabuti,basahin ng may pag-unawa,kunin ang pangunahing kaisipan ng mga akda upang malaman kung anong pagdulog ang maaaring gamitin sa nasabing akda.
|
18. Hirap sa pagtuturo ng mga matatalinghagang salita/pahayag ang guro at mag-aaral.
|
· Iaplay ang kolaboratibong pagtuturo kung saan ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng ugnayan upang magbahagi ng kanilang nalalaman sa mga matatalinghagang pahayag.
· Sa parte ng guro mas makabubuting magkaroon ng oras at panahon sa pagbabasa, paggamit ng internet at aklat upang maunawaan ang ituturong matatalinghagang pahayag.
· Maging mapanuring mambabasa.
|
19. Kakulangan ng kaalaman ng guro sa paggamit ng mga awtentikong kagamitan sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral.
|
· Pananaliksik ang unang paraan upang malaman kung ano-ano ang mga awtentikong kagamitan na maaaring gamitin sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral
· Pag-aralang mabuti ang awtentikong kagamitan ang maaaring akmang gamitin sa paksang-aralin na tinalakay
|
20. Hindi nagiging sensitibo ang guro sa suliraning pangwika na matatagpuan sa mga aklat,materyal at maging sa kanyang pananalita na nakapagpapahirap sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika at panitikang Filipino.
|
· Maging sensitibo higit sa lahat.
· Dapat ang guro ay mulat din sa lahat ng pagbabagong nagaganap sa kapaligiran lalo na sa larangan ng wika at panitikan upang sunod sa bagong estratehiya/teknik sa pagtuturo ng wika na makatutulong sa mga mag-aaral.
· Gumamit lamang ang guro ng mga pananalitang talos sa isip ng kanyang mag-aaral. Dapat ding ibagay nito ang mga salitang kanyang gagamitin sa lebel ng isip ng mga mag-aaral habang nagtuturo ng wika at panitikan upang makamit mga ito ang pagkatuto sa itinuturo ng guro.
|
No comments:
Post a Comment