KAHULUGAN NG PANANALIKSIK 1.
Formulated
in a more
comprehensive form, research
may be defined as a purposive, systematic and
scientific process of
gathering, analyzing, classifying, organizing,
presenting and interpreting data
for the solution of a problem, for prediction, for invention, for the
discovery of truth,
or for expansion
or verification of
existing knowledge, all
for the preservation and
improvement of the
quality of human
life. -mula kina Calderon
at Gonzales (1993)
2. Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t – ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at /o resolusyon nito. - Ayon kay Good (1963)
3. Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang informasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng informasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap sa isa pang esensyal na gawain- ang paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik. -Aquino (1974)
4. Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan . -Manuel at Medel, 1976
5. Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. -Parel 1966
6. Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin, dagdag pa rito ang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. - E. Trece at J.W. Trece (1973)
MGA URI NG PANANALIKSIK1. Pang- akademya
2. Pang-agham
3. Pang-edukasyon
4. Pamilihan
5. Pang-kasaysayan
6. Pangwika
FILIPINO (PANANALIKSIK MODULE 2) MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK· Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
·
Kontrolado –
Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong
mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa
resulta.
·
Empirikal – Lahat
ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
·
Mapanuri –
Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
Ø Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang o istatistikal na metod.
Ø Kwalitatibo
– tumutukoy sa malinaw at tiyak
na pagbibigay ng kuro-kuro
·
Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na batayan at
hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
·
Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa
simula pa lamang ng pag-aaral.
Ø Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong
pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan,
pangyayaring naganapna o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa
isasagawang pag-aaral.
Mananaliksik – may
mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging
matagumpay sa gagawing pananaliksik. KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK·
Masigasig – Kung
hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang impormasyon,
maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.
·
Masinop – Sikaping
maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon.
·
Masistema –
Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng
gagawin niya sa oananaliksik.
·
Mapamaraan –
Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.
·
Magaling magsiyasat
– Tinitimbang na mabuti kung nararaopat o di-nararapat isama.
·
May pananagutan
– Mahalagang isulat ang pangalan ng mga
taong ito upang hindi maparatangan ng pangongopya lamang sa isinulat ng ibang
tao.
RESPONSIBILIDAD NG ISANG MANANALIKSIK·
Huwag
mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. Ayon kay
Atienza atbp., ang plagiarism ay:
Ø Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi
ginamitan ng bantas na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan
Ø Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang
pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan
Ø Pamumulot ng mga ideya mula sa iba’t ibang mananaliksik at
pinagsama-sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos
Ø Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at
hindi itinala na salin ang mga ito
Ø Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi
kinikilala ang pinagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya
ang naghagilap ng mmga datos na ito
·
Humingi
ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik.
·
Isulat
ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong
pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon.
·
Gumawa
ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian.
·
Sikaping
maging matapat sa paglalahad ng resulta.
·
Sundin
ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK1.
KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
Ø Panimula – mababasa dito ang presentasyon
o paglalahad ng suliranin. Binabanggit
din sa bahaging ito ang saklaw ng
pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral.
Ø Paglalahad
ng Suliranin – makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang
pag-aaralan. Bukod dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na kailangang
masagot sa sulating pananaliksik.
Ø Layunin
at Kahalagahan ng Pag-aaral –
tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan
ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
Ø Batayang
Konseptwal/Teoretikal –
ipinaliwanag ni Kerlinger na ang
teoretikal/ konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik
ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na
konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa
sistematikong pananaw ng phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng
mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
Ø Saklaw
at Limitasyon ng Pag-aaralan –
inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at
kalian ito gagawin. Ipinaliwanag nina Sevilla
atbp. na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng pagsisiyasat na
makaiimpluwensya sa resulta ng pag-aaral
na maaaring makasama subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.
Ø Kahulugan
ng mga Katawagan – may dalawang paraan.
v Konseptwal
na Pagpapakahulugan – (ayon
kina Sevilla atbp.) matatagpuan sa
mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na
nauunawaan ng maraming tao.
v Operasyonal
na Pagpapakahulugan – (ayon
kay Kerlinger) eksperimental at
nasusukat.
2.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na kailangan sa
pananaliksik:Ø Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang
gagamitin sa pananaliksik.
Ø Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning
sanggunian.
Ø Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon
sa paksa.
3. PAMAMARAAN/
METODOLOHIYAØ Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disensyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historikal
o kaya’y eksperimental. Ipinapakita rin
dito ang paraan ng pagkuha ng datos
gaya ng pagbuo ng talatanungan,
pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study.
4. PAGSUSURI,
PAGLALAHAD O PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOSØ Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik.
5. PAGLALAGOM,
BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDAYON
Ø Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang mga mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilahad ang konklusyon sa pag-aaral na ginawa.
MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK 1. PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA – dapat isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang
paksang mapipiling pag-aaralan. Ayon kina Atienza
atbp., mahalaga na sa simula pa lamang ay limitahan na ang napiling paksa upang
hind imaging masyadong masaklaw ang pag-aaral at pagtalakay na gagawin dito. Batayan sa Paglilimita ng Paksa:
Ø Panahon
Ø Edad
Ø Kasarian
Ø Pangkat na Kinabibilangan
Ø Anyo/Uri
Ø Perspektibo
Ø Lugar
2. PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYONGAMIT NG DOKUMENTASYONØ Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon
Ø Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya
Ø Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel
Ø Pagpapalawig ng ideya
v Content notes – talang pangnilalaman
v Informational notes – talang impormasyonal
Mga Sistema ng DokumentasyonØ Footnote-bibliography (Sistemang talababa-bibliograpiya) – karaniwang ginagamit
sa larangan ng humanidades at agham
panlipunan. Pansining mabuti ang mga ss:
v Paglalagay
ng superscript – Ang superscript ay isang nakaangat na numerong Arabiko.
Inilalagay ito pagkatapos ng salita, grupo ng salita, pangungusap o taltang
naglalaman ng hinalaw na ideya o nais bigyang-diin.
v Pagnunumero
ng tala
v Pagbabantas
v Indensyon
– limang espasyo sa kaliwa, sunod
ang superscript, sunod ang isang espasyo at kasunod ang mg impormasyong
bibliograpikal
ü Unang
Pagbanggit sa mga Sanggunian - ibinibigay dito ang kumpletong impormasyong
ibiliograpikal. Isinasama ang mga ss:
o Kumpletong pangalan ng awtor
o Pamagat ng aklat
o Editor/Tagasalin
o Edisyon
o Bilang ng tomo
o Lungsod o bansa ng publikasyon
o Tagapaglimbag
o Petsa ng Publikasyon
o Bilang ng tiyak na tomo na ginamit
o Pahina
ü Muling
Pagbanggit sa Sanggunian
o gumagamit ng mas maikling pormat: huling pangalan ng awtor at pahina
o kung may dalawa o higit pang sanggunian: huling pangalan ng awtor, pinaikling pamagat at pahina
o kung walang nakalagay na awtor: banggitin lamang ang pamagat ng aklat/artikulo at pahina
o kung mahigit sa isang awtor: banggitin ang hanggang 3 pangalan ng awtor. Kung may higit sa tatlong awtor: banggitin ang unang pangalan at isunod ng et. al.
o kung may mga awtor na magkatulad ang huling pangalan: banggitin ang unang pangalan o inisyal
o kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may maraming tomo: isama ang bilang ng tomo na pinagkunan ng
impormasyon
ü Pagdadaglat
na Latin
o Ibid – ginagamit sa magkasunod na banggit ng iisang sanggunian
o Op.
cit. – ginagamit kung
babanggitin muli ang isang sanggunian ngunit hindi magkasunod
o Loc.
cit. – ginagamit kung
babanggitin muli ang isang sanggunian at pahina ngunit may pumapagitnang ibang
sanggunian
ü Tala
(End notes) - pinagsama-sama sa katapusan ng papel.
Ø Parenthetical-reference
list (Sistemang
parentetikal-sanggunian) – paglalagay ng mga impormasyong bibiliograpikal sa
loob ng parenthesis na nasa teksto mismo. Karaniwang ginagamit sa larangan ng agham. Pormat ng Talang Parentetikal:
v Apelyido o pinaikling pamagat
v Pahina
Iba pang alituntunin:v Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong
teksto.
v Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor. v Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang apelyido ng una at sundan ng et. al. v Kung pamagat lamang ang naibigay: banggitin ang pinaikling bersyon at pahina v Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo: banggitin ang tomo (tutuldok ang maghihiwalay sa tomo
at pahina)
v Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor:
banggitin na lamang ang akda. 3. PAGSULAT NG BURADOR (Draft-writing) 4. PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK
PARA SA PINAL NA PROYEKTO: ISANG MAIKLING PANANALIKSIK
(PAIR OUTPUT) MANALIKSIK
UKOL SA ISANG ISYU NA MAY KINALAMAN SA MGA PENOMENANG KULTURAL AT PANLIPINAN SA
BANSA. HAL. EDUKASYON, DROGA, EXTRA-JUDICIAL KILLING, FILIPINO
SUBJECT, PAG-AASAWA, TAMANG PAG-AARAL, LIBRENG KOLEHIYO, 4
P’S, FACEBOOK, TAX REFORM LAW, ETC.
2. Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t – ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at /o resolusyon nito. - Ayon kay Good (1963)
3. Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang informasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng informasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap sa isa pang esensyal na gawain- ang paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik. -Aquino (1974)
4. Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan . -Manuel at Medel, 1976
5. Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. -Parel 1966
6. Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin, dagdag pa rito ang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. - E. Trece at J.W. Trece (1973)
MGA URI NG PANANALIKSIK1. Pang- akademya
2. Pang-agham
3. Pang-edukasyon
4. Pamilihan
5. Pang-kasaysayan
6. Pangwika
FILIPINO (PANANALIKSIK MODULE 2) MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK· Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
Ø Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang mga mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilahad ang konklusyon sa pag-aaral na ginawa.
No comments:
Post a Comment