PANANALIKSIK
MODULE
A. MGA
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
1. It is formulated in
a more comprehensive form,
research may be
defined as a purposive, systematic
and scientific process of
gathering, analyzing, classifying, organizing,
presenting and interpreting data
for the solution of a problem, for prediction, for invention, for the discovery of
truth, or for
expansion or verification
of existing knowledge,
all for the preservation and
improvement of the
quality of human
life. -mula kina Calderon at Gonzales (1993)
2. Ito ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry
sa pamamagitan ng
iba’t – ibang teknik at
paraan batay sa
kalikasan at kalagayan
ng natukoy na
suliranin tungo sa
klarifikasyon at /o resolusyon nito. - Ayon kay Good (1963)
3. Ito ay isang
sistematikong paghahanap sa
mga mahahalagang informasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng
informasyon o datos hinggil sa isang tiyak
na paksa o
suliranin at matapos suriin
at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang
datos ay mahaharap sa isa pang esensyal na gawain- ang
paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik. -Aquino (1974)
4. Ito ay
isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas
ang isang partikular na
suliranin sa isang syentipikong pamamaraan . -Manuel at Medel, 1976
5. ito ay
isang sistematikong
pag-aaral o
investigasyon ng isang
bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng
isang mananaliksik. -Parel 1966
6.
Ito ay
isang pagtatangka upang makakuha
ng mga solusyon sa mga
suliranin, dagdag pa rito ang
pangangalap ng mga
datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
explanasyon.
- E. Trece at J.W. Trece
(1973)
B. MGA URI NG PANANALIKSIK
1.
Pang- akademya
2.
Pang-agham
3.
Pang-edukasyon
4.
Pamilihan
5.
Pang-kasaysayan
6. Pangwika
C.
MGA
KAHALAGAHAN AT KABULUHAN NG PANANALIKSIK
1.
Nagpapayaman
ng kaisipan
2.
Lumalawak
ang karanasan
3.
Nalilinang
ang tiwala sa sarili
4.
Nadaragdagan
ang kaalaman
D. MGA LAYUNIN NG PANANALIKSIK
1.
Makatuklas
ng mga bagong ideya, konsepto at impormasyon.
2.
Makapagbigay
ng bagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa dati nang ideya.
3.
Makapaglinaw
sa isang usapin o isyung pinagtatalunan at tuloy makapagbigay ng inaakalang
solusyon sa problema.
4.
Makapagpatotoo
o makapangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga materyales o dokumento
hinggil sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw.
5.
Makapagbigay
ng mga ideya o suhesyon batay sa historikal na perspektibo para sa isang
pangyayari o senaryo.
E. MGA
KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK, BERNALES ET.AL. (2002)
·
Sistematiko – Ito’y
sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
·
Kontrolado – Ito’y
hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at
ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta.
·
Empirikal – Lahat
ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
·
Mapanuri – Ito’y
masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
Ø Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang o istatistikal na metod.
Ø Kwalitatibo
– tumutukoy sa malinaw at tiyak
na pagbibigay ng kuro-kuro
·
Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na batayan at
hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
·
Orihinal na akda kaya ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa
simula pa lamang ng pag-aaral.
Ø Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o
temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi
pangkaraniwan, pangyayaring naganapna o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na
pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.
Mananaliksik – may
mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging
matagumpay sa gagawing pananaliksik.
F.
MGA
ESTRATEHIYA NG PANANALIKSIK
1.
Pamamaraang Pangkasaysayan (Historical
2.
Pamamaraang Eksperimental
(Experimental).
3.
Pag-aaral ng Kaso (Case study).
4.
Serbiyon (Survey).
5.
Pagsubaybay na Pag-aaral (Follow-up
Studies).
6.
Pagpapaunlad ng pag-aaral (Developmental
studies) .
7.
Kalakarang Pagsusuri (Trend Analysis).
8.
Panlabas na Pag-aaral (Field study)
G. MGA KATANGIAN
NG ISANG MANANALIKSIK
·
Masigasig – Kung
hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang impormasyon,
maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.
·
Masinop – Sikaping
maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon.
·
Masistema –
Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng
gagawin niya sa oananaliksik.
·
Mapamaraan –
Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.
·
Magaling magsiyasat
– Tinitimbang na mabuti kung nararaopat o di-nararapat isama.
·
May pananagutan
– Mahalagang isulat ang pangalan ng mga
taong ito upang hindi maparatangan ng pangongopya lamang sa isinulat ng ibang
tao.
H. MGA RESPONSIBILIDAD
NG ISANG MANANALIKSIK AYON KAY ATIENZA
1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating
pananaliksik. Ayon kay Atienza atbp., ang plagiarism
ay:
Ø Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi
ginamitan ng bantas na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan
Ø Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang
pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan
Ø Pamumulot ng mga ideya mula sa iba’t ibang mananaliksik at
pinagsama-sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos
Ø Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at
hindi itinala na salin ang mga ito
Ø Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi
kinikilala ang pinagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya
ang naghagilap ng mmga datos na ito
2. Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin
sa pananaliksik.
3. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala
ng tekstong pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon.
4. Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian.
5. Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta.
6. Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng
pananaliksik.
I.
MGA TUNGKULIN
NG MANANALIKSIK
1. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa
pagsasagawa ng isang pananaliksik.
2. Pumili ng napapanahong paksa.
3. Bigyang kahulugan ang suliraning pananaliksik.
4. Pumili ng mahahalagang datos/
impormasyon.
5. Kumilala ng mga palagay o hinuhang
nagpapalinaw sa suliranin ng pananaliksik.
6. Kakayahang lumikha ng makabuluhang
kongklusyon, palagay o hinuha.
7. Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na
pamamaraan.
J. MGA BAHAGI
NG PANANALIKSIK
1.
KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
Ø Panimula – mababasa dito ang presentasyon
o paglalahad ng suliranin. Binabanggit
din sa bahaging ito ang saklaw ng
pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral.
Ø Paglalahad
ng Suliranin – makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang
pag-aaralan. Bukod dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na kailangang
masagot sa sulating pananaliksik.
Ø Layunin
at Kahalagahan ng Pag-aaral –
tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan
ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
Ø Batayang
Konseptwal/Teoretikal –
ipinaliwanag ni Kerlinger na ang
teoretikal/ konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik
ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na
konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa
sistematikong pananaw ng phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng
mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
Ø Saklaw
at Limitasyon ng Pag-aaralan –
inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at
kalian ito gagawin. Ipinaliwanag nina Sevilla
atbp. na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng pagsisiyasat na
makaiimpluwensya sa resulta ng pag-aaral
na maaaring makasama subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.
Ø Kahulugan
ng mga Katawagan – may dalawang paraan.
v
Konseptwal na Pagpapakahulugan – (ayon kina Sevilla atbp.)
matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na
kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.
v
Operasyonal na Pagpapakahulugan – (ayon kay Kerlinger)
eksperimental at nasusukat.
2.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na kailangan sa
pananaliksik:
Ø Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin
sa pananaliksik.
Ø Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga
kukuning sanggunian.
Ø Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon
sa paksa.
3. PAMAMARAAN/
METODOLOHIYA
Ø Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disensyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historikal
o kaya’y eksperimental. Ipinapakita rin
dito ang paraan ng pagkuha ng datos
gaya ng pagbuo ng talatanungan,
pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study.
4. PAGSUSURI,
PAGLALAHAD O PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Ø Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik.
5. PAGLALAGOM,
BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDAYON
Ø Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging
ito. Pinipili lamang ang mga mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at
inilahad ang konklusyon sa pag-aaral na ginawa.
K. MGA
HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK
1. Pagpili ng paksa. Sinasabing ang
pinakamahirap na bahagi ng isang pananalkiksik ay ang paghahanap ng paksa o
suliraning pag-aaralan.
2. Pangangalap ng datos. Ang
pangangalap ng datos ay nangangailangan
ng tiyaga at oras dahil kailangan magsagawa ng pananaliksik, pagbabasa, at
pagtatanong.
3. Pagsusuri sa mga talang nakalap. Matapos
makakalap ng datos ay nangangailangan itong suriin upang malaman ang mga
inpormasyon na magkakasama o kaya’y ang mga datos na di gaanong mahalaga.
4. Paggawa ng balangkas. Nagiging
sistematiko ang isang pananaliksik kung maisasagawa muna ng balangkas na siyang
magiging gabay sa maayos na pagkakabuo
nito.
5. Pagsulat ng draft. Ang pananaliksik ay
hindi natatapos ng isang upuan lamang kaya’t nanganga ilangan na igawa ito ng
draft o burador upang maiayos ng mabuti ang mga ideyang isinulat dito.
6. Pagtitiyak sa Dokumento at pormat na
papel. Ang bawat pananaliksik ay may tiyak na pormat na sinusunod kaya’t
nararapat lamang na tandaan ang mga ito.
7. Pagrerebisa sa Draft. Matapos magawa at
maisulat ang burador at dokumentasyon ay masagawa uli ng parerebisa
upang maiwasto ang ilang kamalian na napansin sa draft, bigyang diin din
ang mga gramatika na ginagamit sa pagkamalian na ginamit sa pag-aaral.
8. Pagsulat ng Pinal na Papel. Ito ang
huling hakbang na isinasagawa ng mga
mananaliksik. Laging tandaan ang kaayusan, kalinisan, kawastuhan at pagiging
makakatotohanan ng isinasagawang pag-aaral. @siRNel2018
PANGKATANG GAWAIN: MAIKLING REPORT AT ANALISIS
1. KAHULUGAN
URI
NG PANANALIKSIK
KAHALAGAHAN
AT KABULUHAN
LAYUNIN
NG PANANALIKSIK
2. KATANGIAN NG
MABUTING PANANALIKSIK
3. ESTRATEHIYA
NG MANANALIKSIK
4. KATANGIAN, RESPONSIBILIDAD
AT TUNGKULIN NG MANANALIKSIK
5. BAHAGI NG
PANANALIKSIK
6. HAKBANG AT
KASANAYAN SA PAGBUO NG PANANALIKSIK
PETA:
(PANGKATAN)
MAIKLING PANANALIKSIK
Manaliksik at magtanong sa mga magulang/guardian,
mga kamag-anak, at mga kapitbahay (dalawampung respondente).
1.
Kahalagahan ng Pamilya
2.
Dahilan ng Pag-aaral
3.
Ano ang mas mahalaga: Edukasyon
o Salapi?
4.
Ano ang mas makabuluhan: Karir o Kalusugan?
5.
Anu-ano ang mabuti at hindi mabuting naidulot ng Marcos Martial Law?
6.
Kaibhan ng Pag-aaral noon at ngayon
RUBRIK:
Kumpletong
Bahagi ng Pan.: 50
Kaangkupan
ng mga salita: 30
Ka-ugnayan
ng mga ideya: 20
Kabuuan:
100
MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK
1. PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA – dapat isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang
paksang mapipiling pag-aaralan. Ayon kina Atienza
atbp., mahalaga na sa simula pa lamang ay limitahan na ang napiling paksa upang
hind imaging masyadong masaklaw ang pag-aaral at pagtalakay na gagawin dito. Batayan sa Paglilimita ng Paksa:
Ø Panahon
Ø Edad
Ø Kasarian
Ø Pangkat na Kinabibilangan
Ø Anyo/Uri
Ø Perspektibo
Ø Lugar
2. PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON
GAMIT NG DOKUMENTASYON
Ø Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon
Ø Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya
Ø Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel
Ø Pagpapalawig ng ideya
v Content notes – talang pangnilalaman
v Informational notes – talang impormasyonal
Mga Sistema ng Dokumentasyon
Ø Footnote-bibliography (Sistemang talababa-bibliograpiya) – karaniwang ginagamit
sa larangan ng humanidades at agham
panlipunan. Pansining mabuti ang mga ss:
v Paglalagay
ng superscript – Ang superscript ay isang
nakaangat na numerong Arabiko. Inilalagay ito pagkatapos ng salita, grupo ng
salita, pangungusap o taltang naglalaman ng hinalaw na ideya o nais
bigyang-diin.
v Pagnunumero
ng tala
v Pagbabantas
v Indensyon
– limang espasyo sa kaliwa, sunod
ang superscript, sunod ang isang espasyo at kasunod ang mg impormasyong
bibliograpikal
ü Unang
Pagbanggit sa mga Sanggunian - ibinibigay dito ang kumpletong impormasyong
ibiliograpikal. Isinasama ang mga ss:
o Kumpletong pangalan ng awtor
o Pamagat ng aklat
o Editor/Tagasalin
o Edisyon
o Bilang ng tomo
o Lungsod o bansa ng publikasyon
o Tagapaglimbag
o Petsa ng Publikasyon
o Bilang ng tiyak na tomo na ginamit
o Pahina
ü Muling
Pagbanggit sa Sanggunian
o gumagamit ng mas maikling pormat: huling pangalan ng awtor at pahina
o kung may dalawa o higit pang sanggunian: huling pangalan ng awtor, pinaikling pamagat at pahina
o kung walang nakalagay na awtor: banggitin lamang ang pamagat ng aklat/artikulo at pahina
o kung mahigit sa isang awtor: banggitin ang hanggang 3 pangalan ng awtor. Kung may higit sa tatlong awtor: banggitin ang unang pangalan at isunod ng et. al.
o kung may mga awtor na magkatulad ang huling pangalan: banggitin ang unang pangalan o inisyal
o kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may maraming tomo: isama ang bilang ng tomo na pinagkunan ng
impormasyon
ü Pagdadaglat
na Latin
o Ibid – ginagamit sa magkasunod na banggit ng iisang sanggunian
o Op. cit.
– ginagamit kung babanggitin muli
ang isang sanggunian ngunit hindi magkasunod
o Loc.
cit. – ginagamit kung
babanggitin muli ang isang sanggunian at pahina ngunit may pumapagitnang ibang
sanggunian
ü Tala
(End notes) - pinagsama-sama sa katapusan ng papel.
Ø Parenthetical-reference
list (Sistemang
parentetikal-sanggunian) – paglalagay ng mga impormasyong bibiliograpikal sa
loob ng parenthesis na nasa teksto mismo. Karaniwang ginagamit sa larangan ng agham. Pormat ng Talang Parentetikal:
v Apelyido o pinaikling pamagat
v Pahina
Iba pang alituntunin:
v Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong
teksto.
v Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor.
v Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang apelyido ng una at sundan ng et. al.
v Kung pamagat lamang ang naibigay: banggitin ang pinaikling bersyon at pahina
v Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo: banggitin ang tomo (tutuldok ang maghihiwalay sa tomo
at pahina)
v Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor:
banggitin na lamang ang akda.
3. PAGSULAT NG BURADOR (Draft-writing)
4. PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK
PARA SA PINAL NA PROYEKTO: ISANG MAIKLING PANANALIKSIK
(PAIR OUTPUT)
MANALIKSIK UKOL SA ISANG ISYU NA MAY KINALAMAN SA MGA PENOMENANG
KULTURAL AT PANLIPINAN SA BANSA.
HAL. EDUKASYON, DROGA,
EXTRA-JUDICIAL KILLING, FILIPINO SUBJECT, PAG-AASAWA,
TAMANG
PAG-AARAL, LIBRENG KOLEHIYO, 4 P’S, FACEBOOK, TAX REFORM LAW, ETC.
No comments:
Post a Comment