Ang EDITORYAL
- Nagsasaad ng pagpuna, panunuligsa, pagtuturo, pagpapaunawa, pagbibigay-puri, pagbibigay-kahulugan napapanahong balita at kumakatawan sa paninindigan ng buong patnugutan at pahayagan.
- Maituturing na ambag sa pakikipagtalo ukol sa napapanahong isyu.
Mga Uri ng Editoryal
Editoryal ng Pagpapabatid (Editorial of Information)
Editoryal ng Panghihikayat (Editorial of Persuasion)
Editoryal ng Panunuligsa (Editorial of criticism)
Editoryal ng Pagpaparangal (Editorial of Praise or Commendation)
1. Pamagat (Title/Headline)
-Dapat nakakukuha ng atensiyon ng mambabasa
2. Simula (Lead)
Di tulad ng sa balita na itinuturing na ‘puso’ ng kuwento ang lead, sa editoryal, ang ‘puso’ ay maaaring nasa gitna o wakas, depende sa kapritso at istilo ng editorial writer.
Hindi kailangang sundin ang tradisyunal na ASSKPB.
Mas may kalayaan ang manunulat ng editorial na maging malikahin kaysa manunulat ng balita sa pagsulat ng ‘lead’.
Maaaring isang makabuluhan at makatawag-pansing pangungusap tungkol sa paksa o isyu na mapagtatalunan/matatalakay o pagsasalaysay na naghahayag ng suliranin o isyu.
News peg – isang maikling pahayag tungkol sa isang balita na pinagbatayan ng editoryal o napapanahong isyu na nangangailangan ng agarang solusyon.
3. Katawan
Naglalaman ng mga ‘basic facts’, mga sanhi at bunga sa likod ng mga pangyayari, sitwasyon at argumento.
Inilalahad dito ang mga detalye ng mga katotohanan tungkol sa isyu, kalakip ang
opinion o prinsipyong pinapanigan ng patnugutan.
opinion o prinsipyong pinapanigan ng patnugutan.
4. Konklusyon/Wakas
- Naglalaman ng pinakamahalagang kaisipan, tagubilin, mungkahi o direksyon na maaaring payo, hamon o
simpleng buod ng akda
simpleng buod ng akda
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Editoryal
1. Planuhin ang isusulat.
Pumili ng paksa. Maaaring kahit anong isyu, pangyayari at personalidad na laman ng mga balita pero hangga’t maaari, tiyaking taglay ng editoryal ang mga sumusunod:
ü Napapanahon
ü Malaman
ü Naghahayag ng Pananaw
ü Walang ‘conflict of interest’
2. Tiyaking nauunawaang mabuti ang sitwasyon o isyu.
3. Gawing makatawag pansin at kawili-wili ang panimula na binubuo ng batayang balita at reaksyon.
4. Kailangang magtaglay ng isa lamang ideya o panukala.
-Hango ang paksa sa mga balitang pangkasalukuyan na may malaking kahalagahan sa nakararami, maging sa mga mag-aaral, mga mamamayan o sa buong bansa.
5. Magbasa at magsaliksik para sa mga impormasyon at datos.
6. Ipaliwanag ang isyu gaya ng ginagawa ng isang reporter at sabihin ang kahalagahan ng sitwasyon
7. Unahing ilahad ang magkaibang pananaw na may ‘quotations’ at ‘facts’.
8. Kontrahin, tanggihan o pabulaanan (refute/reject) ang isang pananaw at palawakin ang iyong panig gamit ang mga patunay, detalye, bilang at tahasang sabi.
Kailangang mas maraming patunay para mapahina ang kabilang argumento habang mas mapapalakas naman ang pinaninindigang panig.
Kailangang mas maraming patunay para mapahina ang kabilang argumento habang mas mapapalakas naman ang pinaninindigang panig.
9. Gayunpaman, bigyang-pansin pa rin ang magandang puntos ng oposisyon upang mas maging kapani-paniwala ang editoryal.
10. Ulitin ang mga susing parirala (key phrases) upang bigyang-diin ang kaisipan o ideya sa isipan ng mga mambabasa.
10. Ulitin ang mga susing parirala (key phrases) upang bigyang-diin ang kaisipan o ideya sa isipan ng mga mambabasa.
11. Magbigay ng mga reyalistikong solusyon sa suliranin na hindi karaniwang alam ng iba.
12. Hikayatin ang mga mambabasa na magkaroon ng kritikal o masusing pag-iisip at maging pro-active ang reaction.
13. Gawing matipid sa mga salita subalit gawing mabisa at kaakit-
akit ang mga pangungusap.
13. Gawing matipid sa mga salita subalit gawing mabisa at kaakit-
akit ang mga pangungusap.
14. Kailangan itong maging makatwiran
15. Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon.
16. Magbigay ng mga mahahalaga at makatotohanang halimbawa bilang suporta sa pinapanigan.
17. Sabihin ang mga pinagkunan ng datos.
18. Gawing pormal ang pananalita at paglalahad ng opinyon.
19. Magbigay ng estadistika kung kinakailangan.
20. Kung magbigay ng argumento, simulan sa pinakamahalaga.
21. Huwag sulatin sa unang panauhan. Bagama’t kadalasan iisa lamang ang sumusulat ng editorial, ngunit ito ay kumakatawan sa buong patnugutan.
A. Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw
PAGSULAT NG EDITORYAL
PAGSUSULAT NG EDITORYAL
1. Pasalita
2. Pasulat
3. Karikatura
B. Ano nga ba ang editoryal?
Ito ay isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari o isyu.
C. KAHALAGAHAN NG EDITORYAL
- Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu.
- Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan.
- Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago.
- Impormasyon at kaalaman
- kumilos ang kinauukulan
- Pagmumulat ng mata
****Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago
D. Mga Uri ng Editoryal
1.) Namumuna.
Naglalahad ng kagalingan o kahinaan ng isang isyung tinatalakay ngunit kita pa rin kung sino ang kanino kampi o panig.
2) Paglalahad o nagpapabatid.
Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari.3.) Pangangatwiran o naghihikayat Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago ngunit ang binibigyang diin ay makahikayat.
3.) Pangangatwiran o naghihikayat
Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago ngunit ang binibigyang diin ay makahikayat.
4.) Paglalarawan o nagbibigay puri.
Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.
5. Nagpapahayag ng natatanging araw.
Ipinaliliwanang ang kahalagahan ng isang natatanging okasyon sa bansa.
6. Panlibang.
Ang layunin ay makalibang, di pormal, masaya at maikli lamang
E. Paano maaaring simulan ang isang editorial?
1. pagkuha ng impormasyon sa isang nabasa o narinig na balita
2. anekdota
3. kasabihan
4. isang tanong
5. awtobiyografiya
F. Maaring maghanap at kumuha ng imporamasyon mula sa:
1. Pagbabasa ng diyaryo at pakikinig ng balita
2. Pasangguni sa mga aklat
3. Paghahanap sa internet at website
4. Mag-interview
G. Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw?
1. Pasulat – pahayagan, sa pangulo, opisyales
2. Pasalita – radyo, telebisyon, rally
3. Karikatura
***Ang anumang pagkilos ay may kasamang resulta o solusyon
***Bawat indibidwal ay responsible sa kanyangsinasabi o ginagawa
***Ang editoryal ay isang paraan ng pagpapahayag ng saloobin, reaksiyon o pananaw tungkol sa isang isyu, ganoon pa man dapat natin isaisip na may kakambal itong mga responsibilidad, restriksiyon at mga batas na dapat sundin.
H. Anong mga isyu ang maaring pag-usapan para maipahayag ang iyong opinyon o pananaw
1. panlipunan
2. ekonomikal
3. pulitikal
4. katahimikan at kaayusan
I. Ano ba ang sensura?
Paghihigpit o restriksyon para makontrol ang paglalathala o pagsasalita ng mga bagay na inaakalang makasisira sa pamahalaan
***Nasa ibaba ang kasong maaaring isampa laban sa iyo.
1. Slander - Pagpapahayag na pasalita na nakasira sa reputasyon o karangalan ng isang tao.ng isang tao.
2. Oral defamation - Maling akusasyon o malisyosong pahayag na pasalita na nakasira ng reputasyon o karangalan ng isang tao o entidad
3. Libel - Mali o malisyosong paglilimbag ng isang kasinungalingan sa paraang pasulat kagaya ng isang publikasyon, o larawan na nakasira sa reputasyon o karangalan ng isang tao o entidad
4. Perjury - Hantarang o sadyang pagbibigay ng isang mali o kulang na pahayag o testimonya habang nanunumpa sa harap ng hukuman.”The breach of an oath or promise.”
J. Paraang magagamit sa panimula ng isang editoryal
1. Anekdota 6. isang tanong
2. Kasabihan 7. isang kwento
3. Sawikain o salawikain 8. isang karanasan
4. Impormasyon mula sa balitang narinig, nabasa
5. Isang awtobiyografia
1. May Isang Guro
2. Paano Nagsusulat ang Isang Ina
3. Si Juan at ang Buringkada
4. Bagong Ortografiyang Filipino
5. Pagsasaling-wika
6. Magsegregate Tayo
7. Nang Maligaw si Nyota Memay
8. Ang Editoryal
No comments:
Post a Comment