Wednesday, June 26, 2019

Akademikong SUlatin sa Filipino sa Piling Larangan

Akademikong Sulatin
Layunin at Gamit
Katangian
1. Abstrak
Ito ay ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel tulad ng tesis, siyentipikong papel at iba pa. Ang layunin nito ay mailahad ang importanteng detalye hinggil sa isang paksa.
Ito ay kinakailangang organisado at malinaw. Ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tesis.
2. Sintesis o Buod
Ito ay ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo. Ito ay ginagamit upang maibuod o maibigay ang mahahalagang impormasyon sa isang kwento.
Ito ay ginagamit sa pagbubuod ng mga kwentong naglalahad tulad na lamang ng Bibliya. Ito ay kailangang malinaw at organisado.
3. Bionote
Ang bionote ay ginagamit sa pagsulat ng talambuhay ng isang tao. Ito ay naglalaman ng mga achievements o mga karangalan ng nasabing tao.
Ang katangian ng bionote ay mailahad ng malinaw at organisado ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao.
4. Presi
Galling sa salitang précis sa lumang Pranses na ang ibig sabihi’y pinaikli. Ito ay ang buod ng mga buod.
Ito ay ang pagpahahayag ng ideya ng may akda sa sariling pangungusap ng bumasa, ngunit maaring magdagdag ng komento na nagsusuri sa akda. Wala itong elaborasyon at mga halimbawa, ilustrasyon atbp.
5. Rebyu 1 at Rebyu 2
Ito ay isan gmapanuring pagbsa o pagtasa ng isang gawang malikhain (tulad ng dula, pelikula, musika o sayaw) o nang isang gawang akademiko tulad ng aklat o artikulo na produkto ng isang pag aaral o saliksi.
Ang sulating ito ay pormal at organisado.
6. Panukalang Proyekto
Ito ay kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao. Ito ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihaing gawain na naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng rebyuwer ang kanyang mga pagninilay, pananaw o paghuhusga tungkol sa gawa.
7. Talumpati
Ang talumpati ay buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita. Layunin nitong manghikayat sa mga paniniwala o pangangatwiran sa isang partikular na paksa.
Ito ay nagbibigay kabatiran o impormatibo. Ito rin ay maaaring maiksi o mahaba depende sa isang tao.
8. Katitikan ng Pulong
Isinusulat sa sulating ito ang mga tinalakay sa pagpupulong na bahagi ng agenda. Ito ay ginagamit upang maibuod ang mga nangyari sa simula hanggang dulo ng pagpupulong.
Ang sulating ito ay kailangang organisado at pormal. Ito rin ay nasa anyo ng talahanayan.
9. Posisyong Papel
Ito ay ginagamit upang kumbinsihin ang madaming tao na sumang-ayon o pumanig hinggil sa isang paksa. Layunin nitong makapagbiagy ng katotohanan at itakwil ang kamalian.
Ito ay isang obhetibo, maliwanag at may paninindigan na sulatin.
10. Replektibong Sanaysay
Sa sulating ito, dito ibinabahagi ang lahat ng karanasan, mga bagay na naiisip, pananaw at nararamdaman hinggil sa isang paksa. Ginagamit ito upang makapagbigay ng mungkahi tungkol sa isang teksto.
Ito ay obhetibo, organisado at pormal. Unang panauhan na panghalip ang ginagamit sa sulating ito.
12. Lakbay- Sanaysay
Ang sulating ito ay tungkol sa isang lugar o paglalakbay. Ito ay ang pagsulat ng mga bagay o karanasan na nadiskubre sa partikular na lugar.
Ito ay maliwanag at nakatukoy base sa realisasyon o mga natutuhan sa isang paglalakbay. Ito ay kinakailangang organisado at ito ay ginagamitan ng unang panauhang panghalip.

ctto 2019

No comments:

Post a Comment

Featured Post

CORALINE BY NEIL GAIMAN (ENGLAND)

CORALINE BY NEIL GAIMAN (ENGLAND) Coraline [Excerpt] by Neil G...