Saturday, June 8, 2019

KOMPAN LESSON 1 & 2


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

LESSON 1:
       “Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura                 
                           – Henry Gleason
WIKANG PAMBANSA
 

A. Filipino
> Ginagamit sa komunikasyon
> Wikang pambansa ng Pilipinas
> Binubuo ng wikang Tagalog, at mga wikain
  ng bansa, gayundin ang mga hiram sa wikang Kastila, Ingles, Intsik at iba pa
> ayon sa Komisyon ng wikang Filipino na dating Suriaan ng Wikang Pambansa (ginawa ni Manuel L. Quezon).

B. Tagalog (taga ilog)
> Basehan o batayan ng Wikang Pambansa
> Dahilan pinili ang Tagalog bilang
  Wikang Pambansa:
1. Maraming Gumagamit
2. Ginagamit na Sentro ng kalakalan, Maynila
3. Napakayaman sa tasalitaan
c. Pilipino
> Binubuo ng wikang tagalog at mga
  wikain lamang sa bansa

WIKANG PANTURO
       FILIPINO – BILANG WIKANG PANTURO BASE SA IKALAWANG BAHAGI NG ARTIKULO XIV, SEKSIYON 6 NG 1987 KONSTITUSYON.

OPISYAL NA WIKA
       ANG FILIPINO AT INGLES NA GAGAMITIN SA MGA OPISYAL NA TRANSAKSIYON NG PAMAHALAAN BASE SA ARTIKULO IV SEKSIYON 7 NG1987 KONSTITUSYON.

BILINGUWALISMO
       TUMUTUKOY SA DALAWANG WIKA. PAGGAMIT NG INGLES AT FILIPINO BILANG PANTURO (INGLES  SA MATEMATIKA AT SIYENSIYA, FILIPINO SA AGHAM PANLIPUNAN AT IBA PA).

MULTILINGUWALISMO
       TUMUTUKOY SA HIGIT SA DALAWANG WIKA.
       PAG-IRAL NG PATAKARANG PANGWIKA  SA EDUKASYON, ANG PAGPAPATUPAD NG MTB-MLE (MOTHER TONGUE-BASED MULTILINGUAL EDUCATION K-3).

MGA KALIKASAN NG WIKA
  1. May sistemang balangkas-binubuo ng mga tunog, letra, salita, etc.
  2. Arbitraryo – kasunduang paggamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
  3. Ginagamit ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura – wika at kultura ay di-pwedeng paghiwalayin.

LESSON 2:
´  BERNAKULAR - tawag sa wikang katutubo sa isang pook.
´  hindi ito varayti ng isang wika, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno at kalakal.

UNANG WIKA
´  WIKANG SINUSO SA INA O INANG WIKA (UNANG NATUTUNAN NG BATA).

WIKANG PAMBANSA
´  FILIPINO-PAMBANSANG WIKA BASE SA UNANG BAHAGI NG ARTIKULO XIV, SEKSIYON 6 NG 1987 KONSTITUSYON.
´  SUMISIMBOLO NG ATING PAGKAKAKILANLAN AT DAMDAMIN BILANG PILIPINO.

PANGALAWANG WIKA
Iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang inang wika.
´  Hal. Waray ang unang wika ng mga taga samar. Ang Filipino ang pangalawang wika para sa kanila. Ang Ingles, at iba pa ay pangalawang wika din.

*****
FILIPINO - LINGUA FRANCA O TULAY NG KOMUNIKASYON SA BANSA.
INGLES -  LINGUA FRANCA NG DAIGDIG.



No comments:

Post a Comment

Featured Post

CORALINE BY NEIL GAIMAN (ENGLAND)

CORALINE BY NEIL GAIMAN (ENGLAND) Coraline [Excerpt] by Neil G...